We are a Community. Our mission is to encourage every Filipino to learn how to Save, Invest their money and plan for their Retirement.

Jul 5, 2013

Ano ang Emergency Fund?

Emergency Savings o Emergency Fund ay ipon na nakalaan lamang para sa mga "Emergency" gaya ng natanggal sa trabaho, sakuna, pagkakasakit, bagyo, aksidente, sunog, baha, pagnanakaw, at kamatayan.

Hindi emergency ang pagbili ng cellphone!


Kailangan ay makapagtabi ka ng halagang katumbas ng hindi bababa sa tatlong (3) buwan sahod/sweldo at hindi hihigit sa labin-dalawang (12) na buwan sahod o sweldo o kinikita sa negosyo.

Ganyan kalaki ang kailangan mo itabi para sa Emergency Savings para kung sakali man  matanggal ka sa trabaho o kailangan mong hindi muna magtrabaho para tugunan ang iyong emergency ay may sapat kang ipon para mabuhay sa loob ng 3-12 na buwan.
Wala nang mas hihirap pang paghahanda kundi ang paghandaan ang hindi inaasahan. Ang mawalan ng trabaho, mawalan ng minamahal sa buhay, ang magkasakit at iba pang hindi inaasahang pangyayari na possibleng maganap sa hindi natin inaasahang panahon.



Dahil hindi natin kayang alamin ang mga hindi inaasahang kaganapan ng buhay, makakabuting unti-unti mo itong PAGHANDAAN, PAG-IPUNAN at panatilihing HINDI MAGAGALAW ang pondong ilalaan mo dito.
Kadalasang batayan na aking nababasa ay tatlo (3) hanggang labin-dalawang (12) na buwang gastos ang katumbas na halaga ng Emergency Fund mo.

Halimbawa:

Single (1x is good / 3x is better)

============
Total Monthly Expenses: P30,000.00
Your Emergency Fund should be: P30,000.00 x 3 = P90,000.00

Married / With Dependents (3x is good / 6x is better)

============
Total Monthly Expenses: P50,000.00
Your Emergency Fund should be: P50,000.00 x 6 = P300,000.00

Businessman (6x is good / 12x is better)

============
Total Monthly Expenses: P100,000.00
Your Emergency Fund should be: P100,000.00 x 12 = P1,200,000.00

Huling Paalala, magkaiba ang Emergency Fund at Retirement Fund. Siguraduhin mong alam mo ang layunin ng dalawang ito. Mahalaga din na malaman mo na dapat ay madali mong makukuha (LIQUIDITY) ang pera mo kung ito ay Emergency Fund at dapat ay maganda naman ang kinikita (GROWTH POTENTIAL) taon-taon ng pera mo kung ito ay Retirement Fund.

Get FREE stock analysis!

Sunlife Life Armor - AVAIL NOW!

Mostly Read Today

© 2012. Powered by Blogger.