iPHONE O iPON
Kaliwat Kanan ang ibat ibang gadget na naglalabasan ngayon at karamihan sa atin ay handang maglustay ng naitabing salapi mabili lamang o pinakamatindi sa lahat ay "UNANG" magkaroon ng gadget na ninanais?
SUBALIT, ANO nga ba ang meron sa mga bagong gadget na ito?
Anong malaking pagkakaiba ng binili mo isang taon ang nakakalipas sa bagong ilalabas ngayon?
May iPhone 3G, iPhone 4, iPhone 4s, iPhone 5 at marahil ay aabot pa ng hanggang iPhone 10
Wag tayong padala sa tukso ng materyal na bagay. Wag tayong padala sa ganda ng mga salitang binibitawan sa bawat bagong produktong inilalabas.
Lagi mong itanong sa iyong sarili ay Ano ang malaking kaibahan nito sa kung anong meron ako ngayon?
WALA?
Masasabing noon ay makatarungang magpalit mula BEEPER to Cellular Phone dahil sa malaking kaibahan at kagandahan na meron ang bagong teknolohiyang nailabas.
Ngunit sa panahon natin ngayon na tila ba numero o version na lang ng mobile phone ang tanging kaibahan, masasabi mo pa bang PRAKTIKAL ito?
TAWAG at TEXT lang naman ang pangunahing kailangan natin sa araw araw na paggamit ng mobile phone subalit nadadala parin tayo sa magagandang salita tuwing may ilalabas na bagong modelo.
Karamihan sa atin ay nakalimutan na ang kahalagahan ng pag-iipon.
Nakalimutan na nila ang kahalagahan at pangangailangan sa pagsasakripisyo NGAYON upang magkaroon ng mas magandang BUKAS.
Naitanong nyo na ba sa inyong sarili kung anong magandang maidudulot sa inyong KINABUKASAN kung meron ka ng lahat ng modelo ng iPhone, Sapatos, Bag, Tablet, Relo, Sasakyan?
Sinulat ko ito bilang isang PAALALA at pagbalik-tanaw sa kung ano ang kahalagahan ng pag-iipon sa ating pag tanda.
Sa bawat pisong maitatabi ay magbibigay ito ng pag-asa para sa iyong kinabukasan at sa iyong pagtanda.
At sa bawat pisong iyong maiipon, pag iyong ginamit pamuhunan ay magbibigay sayo ng TUNAY na LIGAYA at SAYA na hindi kayang ibigay ng isang MATERYAL na BAGAY.
cellphone, debt, financial freedom, gadget, investment, iphone, iphone ipon, ipon, luho, luxury, maginvest, maginvest ka pinoy, magipon, personal finance, samsung, savings