Paano Mag-Invest sa Modified Pag-IBIG II (MP2)?
Ito ang Dividend Rate sa Modified Pag-Ibig 2 at TAX-FREE yan! Ang ganda diba? Ito na marahil ang isa sa mga dahilan para makumbinsi kang mag-ipon at mag-invest sa tulong ng MP2.
Madali lamang makapagsimulang mag-ipon at mag-invest sa MP2!
Gamit ang Online Enrollment ng Pag-Ibig, maaari kang makapagbukas ng Modified Pag-IBIG II (MP2) Account kung ikaw ay miyembro na ng Pagibig at alam mo ang iyong Pagibig MID Number.
Ano Ba Ang Requirements ng Modified Pag-IBIG II (MP2)?
1. Kailangan ikaw ay Active Pag-IBIG Fund Members; o kaya naman ay Former Pag-IBIG Fund Members with source of monthly income and/or Pensioners, regardless of age, with at least an equivalent of 24 monthly savings.
2. Minimum na hulog sa MP2 savings is PhP500.
Yan lang! Sobra simple lang diba?
Paano ako makakapagbukas ng MP2 Account Online?
Madali lang makapag-bukas ng Modified Pag-IBIG II (MP2) Account. Sundan lamang ang mag sumusunod na steps:
1. Mag-connect sa internet at i-click ang link na ito -->> https://www.pagibigfundservices.com/MP2Enrollment/default1.aspx
2. Fill-out ang form ng iyong mga detalye.
3. I-Submit ang Form
4. I-print ang na-fill up na electronic form na nakalagay ang iyong MP2 account number.
Ganun lamang ka-simple at pwede mona itong hulugan.
0 comments:
Post a Comment